make friends image meet new people image
Punkai Music Social Network --- Your Space.  You Rule.
Home Videos Musika Punkai Chat Tungkol sa Amin GamesNew
Find friends, listen music, online radio, upload pictures & video.
   
Punkai Login Signup!
 
      Nakalimutan ang Password        Hindi pa miyembro? Sumali na Ngayon!
meeting people online make new friends image
 
   
  Look for answers to your questions. Review our frequently asked questions listed below.
 
 
     
  Libre ba ang Punkai.com?   Paano ko makikita ang larawan ng aking mga kaibigan?  
  Paano ako sasali?   Paano i-edit ang aking account?  
  Paano mag-login?   Paano ako makaka-chat?  
  Problems with login?   Paano mag-post ng isang comment?  
  Paano mag-log-out mula sa Punkai.com?   Paano tanggalin ang isang comment?  
  Mga problema sa pag-edit sa aking profile/ Hindi ma-update?   Paano ko iimbitahan ang isang tao upang maging aking kaibigan?  
  Paano mag-upload ang aking VIDEO?   Ilang mga kaibigan maari akong magkaroon?  
  How to Upload Music?   Paano ko tatanggapin ang friend request?  
  Paano mag-upload ang aking mga litrato?   Paano ko makikita ang listahan ng lahat ng aking mga kaibigan?  
  Paano magpadala ng mensahe sa isang kaibigan?   Maximum friends can I have?  
  Paano ko malalaman kung may isang taong nagpadala ng mensahe sa akin?   Ilang mga larawan ang maaaring i-upload sa aking profile?  
  Paano ko mababasa ang aking mensahe?   Paano mag-ulat ng spammer / mga miyembro na umaabuso sa site?  
  Paano ako magtatanggal ng aking mga mensahe?   Paano ipagbigay-ulat ang isang objectable video?  
  Paano mag-reply sa isang mensahe?   Paano ako makakakuhang muli ng password?  
  Paano itakda ang aking pangunahing larawan?   Paano ako makakahanap ng mga miyembro ng Punkai? Paano ako makakahanap ng mga Profiles?  
  Paano magpasok ng isang photo description?   Mayroon akong mga tanong na wala dito sa FAQ, Ano ang gagawin ko?  
     
 
 
 
  Libre ba ang Punkai.com?

Ang membership ng Punkai ay ganap na LIBRE! Sa ngayon, wala kaming sisingilin sa anumang bagay sa aming mga miyembro. Kaya naman huwag kayong mag-atubili at mag-enjoy sa aming mga features.

back to top  

 
 
   Paano ako sasali?

Sa homepage, i-click ang SIGNUP sa kaliwang itaas na sulok. Pagkatapos ikaw ay idudugtong nito sa isang pahina kung saan maari kang mag CREATE YOUR ACCOUNT. Punan ang mga kinakailangang impormasyon at pagkatapos i-click ang REGISTER Huwag mong kalimutang basahin muna ang aming mga tuntunin at kundisyon bago magparehistro.

back to top  

 
 
  Paano mag-login?

Upang makapag-login sa inyong punkai account, kailangan lamang ipasok ang inyong email address sa lugar kung saan maaari kayong makapag-login. Mag-click sa “submit”.

back to top  

 
 
   Problema sa Pag-login – hindi ako makapag-login sa aking Punkai's Account?

             Kung ikaw ay nakararanas ng anumang mga problema sa pag log-in --

  • Tiyaking pinapasok mo ang tamang email address na nakarehistro sa punkai. Tiyaking pinapasok ang eksaktong password. Ang mga password ay sadyang sensitibo. At siguraduhin din na walang anumang mistype characters o spaces kapag nagta-type ka sa iyong email at password.
  • Maaari mong gamitin ang “Forgot Password” na link na matatagpuan sa ibaba ng patlang ng pag-login. Huwag kalimutan na i-tsek ang iyong email's “spam” o “junk” na folder para sa iyong “forgot password” na email mula sa punkai.
  • Minsan, ang mga web browsers ay maaring makaranas ng mga problema, kaya kung ikaw ay gumagamit ng Internet Explorer, subukang buksan ang site gamit ang ibat-ibang web browser tulad ng Mozilla Firefox, Safari at iba pa.
  • Kung ikaw ay nakararanas pa rin ng mga problema sa pag-login sa iyong account, siguraduhing malinis ang iyong temporary internet files, cookies at cache files. Ang mga web browser ay mayroong HELP section kung saan maari mong mahanap ang mga tagubilin na kinakailangan upang malinis ang mga uri ng file.

back to top  

 
 
  Mga problema sa pag-edit sa aking profile/ Hindi ma-update?

Kung ikaw ay nakararanas ng anumang mga problema sa pag log-in --

  • Siguraduhing na-save mo ang lahat ng pagbabagong nagawa sa iyong profile. Ang save button ay matatagpuan sa ilalim ng “Edit Profile” na pahina.
  • Kung ikaw ay makatatanggap ng error message, check on texts at correct the problem. Kadalasan, ang ilan sa mga impormasyon ay nawawala at ito ay pipigil sa iyo na ma-save ang iyong mga binago.
  • Minsan, ang mga web browsers ay maaring makaranas ng mga problema, kaya kung ikaw ay gumagamit ng Internet Explorer, subukang buksan ang site gamit ang ibat-ibang web browser tulad ng Mozilla Firefox, Safari at iba pa.
  • Kung ikaw ay nakararanas pa rin ng mga problema sa pag-login sa iyong account, siguraduhing malinis ang iyong temporary internet files, cookies at cache files. Ang mga web browser ay mayroong HELP section kung saan maari mong mahanap ang mga tagubilin na kinakailangan upang malinis ang mga uri ng file.

back to top  

 
 
  Paano mag-log-out mula sa Punkai.com?

Para makapag-log out mula sa iyong account, kailangan lang mag-click sa “Log -out” na link na matatagpuan sa navigation menu sa pahina ng iyong profile.

back to top  

 
 
  Paano mag-upload ang aking VIDEO?

Upang mag-upload ang iyong mga videos, kailangan mo munang mag-log on sa iyong account. Mag-click saVIDEOSna matatagpuan sa itaas na kanang sulok ng iyong profile page. Kapag nasa profile page ka na, maaari mo nang i-browse at i-upload ang iyong mga videos sa pahina ng iyong profile.

back to top  

 
 
  How can I upload my Music?

To upload your music, you need to be logged on to your account first. Click “MUSIC” located at the top right corner of your profile page. Once on the music page, you can then start browsing and uploading your music.

back to top  

 
 
  Paano mag-upload ang aking mga litrato?

Upang mag-upload ang iyong mga litato, kailangan mo munang mag-log on sa iyong account. Mag-click saUPLOAD PHOTO” at ikaw ay mapupunta sa pahina ng upload photo. Maaari kang mag-upload ng pinakamataas sa 5 larawan sa isang saglit.

back to top  

 
 
  Paano magpadala ng mensahe sa isang kaibigan?

Ang pagbisita mo sa profile ng iyong kaibigan ay magbibigay daan sa iyo upang magpadala ng mensahe sa kanya. Mag-click lamang sa SEND MESSAGE na link na matatagpuan sa ibaba ng pangunahing larawan ng iyong profile. At simulang gawin ang iyong mensahe. Kung ikaw ay tapos na sa iyong mensahe, mag-click sa SEND.

back to top  

 
 
  Paano ko malalaman kung may isang taong nagpadala ng mensahe sa akin?

Kung ikaw ay may bagong mensahe, makakakita ka ng isang notipikasyon na nagsasabing “NEW MESSAGE” sa ibaba ng iyong pangunahing larawan. I-click lang at dadalhin ka nito sa pahina ng iyong inbox.

back to top  

 
 
  Paano ko mababasa ang aking mensahe?

Upang bukasan ang iyong mensahe, mag-click sa iyong INBOX o NEW MESSAGE (kung mayroon kang isang bagong mensahe). Ang iyong inbox ay magpapakita ng iyong mga bagong mensahe mula sa iyong mga kaibigan. Mag-click lamang sa subject line ng mga mensahe at maaari mo nang basahin ang iyong mga mensahe.

back to top  

 
 
  Paano ako magtatanggal ng aking mga mensahe?

Upang tanggalin ang isang mensahe, buksan ang iyong INBOX at i-check ang mensahe na gusto mong tanggalin. Pagkatapos i-click ang DELETE button na matatagpuan sa ibaba ng iyong inbox. Kung nais mong tanggalin ang lahat ng inyong mga mensahe, i-check sa DELETE box na matatagpuan sa ibabaw ng iyong inbox at i-click ang delete.

back to top  

 
 
  Paano mag-reply sa isang mensahe?

Upang mag-reply, buksan ang mensahe at i-click ang REPLY na matatagpuan sa ibaba ng iyong mensahe. Pagkatapos ay gawin ang inyong tugon. Huwag kalimutan na i-click ang SEND kapag kayo ay tapos na.

back to top  

 
 
  Paano itakda ang aking pangunahing larawan?

Upang itakda ang iyong pangunahing litrato, mag-click sa upload photo sa navigational bar ng iyong profile at pumili ng litrato mula sa iyong photo album na nais mong itakda bilang pangunahing larawan. I-click ang “Set as Primary” at ang larawan na 'yan ang mapopost sa iyong profile.

back to top  

 
 
  Paano magpasok ng isang photo description?

Kapag matagumpay nang na-upload ang iyong mga larawan, maaari mo nang ipasok ang photo description sa pamamagitan ng paglagay ng pamagat sa iyong description box. Huwag mong kalimutan na mag-click sa “save” upang i-save ang iyong photo description.

back to top  

 
 
  Paano ko makikita ang larawan ng aking mga kaibigan?

Upang tingnan ang mga larawan ng iyong kaibigan, kailangan mong buksan ang kanilang profile at mag-click sa “View Album” na link. Ikaw ay dadalhin pagkatapos nito sa kanilang photo album.

back to top  

 
 
  Paano i-edit ang aking account?

Upang i-update ang iyong account, kailangan mo nang naka-log in ka sa iyong account. I-click ang EDIT PROFILE t gawin ang mga ninanais mong pagbabago.

back to top  

 
 
  Paano ako makaka-chat?

Upang makipag-chat sa iba pang mga online na mga miyembro, kailangan mo munang naka-log in sa iyong account. I-click ang icon ng CHAT at ikaw ay dadalhin sa aming mga makabagong chat room. Maaari kang makipag-chat sa kahit kaninong nais mong makipag-usap sa anumang oras.

back to top  

 
 
  Paano mag-post ng isang comment?

Upang mag-post ng isang comment, siguraduhin na ikaw ay naka-log in sa iyong account. Mag-click sa 'Add Comment' na link sa ibaba ng iyong pangunahing larawan. I-type ang iyong puna sa kahon na ibinigay at i-click ang ' Post' na matatagpuan sa ibaba ng kahon. Ang iyong puna ay awtomatikong nai-post sa profile ng iyong kaibigan.

back to top  

 
 
  Paano tanggalin ang isang comment?

Upang tanggalin ang isang comment, mag-click lamang sa ' delete' na link na matatagpuan sa kanang itaas na sulok ng iyong comment box. Kailangang tandaan na kapag tinanggal mo ang isang comment, hindi na ito maibabalik pang muli.

back to top  

 
 
  Paano ko iimbitahan ang isang tao upang maging aking kaibigan?

Upang mag-imbita ng mga kaibigan, i-click lamang ang "Invite Friends" na link. Sa pahina ng invite, kailangan lang ipasok ang email address ng iyong kaibigan. Maaari kang mag-imbita ng maraming kaibigan sa bawat pagkakataon, kailangan lang ihiwalay ang email address ng iyong mga kaibigan ng isang comma [,].

back to top  

 
 
  Ilang mga kaibigan maari akong magkaroon?
Maaari kang magkaroon ng maraming kaibigan hanggat gusto mo. Kaya anyayahan silang lahat at manatiling konektado.

back to top  

 
 
  Paano ko tatanggapin ang friend request?

I-click ito at ikaw ay dadalhin sa pahina ng mga naghihintay na kaibigan. Maaari mong tanggihan o tanggapin ang imbitasyon. Nasa iyo ang lahat ng desisyon.

back to top  

 
 
  Paano ko makikita ang listahan ng lahat ng aking mga kaibigan?

Upang tingnan ang lahat ng iyong mga kaibigan, i-click lamang ang "view all friends" na link at ikaw ay dadalhin sa pahina ng listihan ng iyong mga kaibigan.

back to top  

 
 
  Ano ang pinakamataas na dami ng mga kaibigan sa aking account?

Sa oras na ito, ang Punkai.com ay maaring tumanggap ng maraming kaibigan sa iyong listahan ayon sa kagustuhan mo. Kaya imbitahin na ang lahat ng nasa paligid mo at sumali na ngayon.

back to top  

 
 
  Ilang mga larawan ang maaaring i-upload sa aking profile?

Sa ngayon, ang Punkai.com ay maaaring tumaggap ng mga larawan gaano man ito karami hanggat gusto ninyo, sa kondisyon na ang inyong larawan ay mas mababa sa 1 mb bawat isa. Subalit pigilin ang sarili na mag-upload ng mga larawan na kasama ang sumusunod: pornograpiya, offensive materials, at graphic violence.

back to top  

 
 
  Paano mag-ulat ng spammer / mga miyembro na umaabuso sa site?

Ang pinakamabisang paraan para ipaalam sa amin ang anumang mali sa pag-uugali mula sa iba pang mga miyembro ay ang pagbigay-ulat sa amin sa contactus@punkai.com.

back to top  

 
 
  Paano ipagbigay-ulat ang isang objectable video ?

Ang lahat ng uri ng abuso dito sa Punkai.com ay aming sineseryosong pinakikitungohan. Kung makakatuklas ka ng isang bagay na kahina-hinala, maaari kayong mag-file ng inyong ulat sa contactus@punkai.com at susuriin namin ito sa lalong madaling panahon.

back to top  

 
 
  Paano ako makakakuhang muli ng password?

Mag-click lamang sa “forgot password” na link na matatagpuan sa ibaba ng patlang ng pag-login. Isang window ang magpapakita upang tanungin ang email address na ginamit mo sa rehistrasyon. Pagkatapos ay ibibigay namin kaagad ang password ng iyong email address.

back to top  

 
 
  Paano ako makakahanap ng mga miyembro ng Punkai? Paano ako makakahanap ng mga Profiles?

Upang maghanap ng mga miyembro, siguraduhin na ikaw ay naka-logged in. Pagkatapos ay mag-click sa “Search” na matatagpuan sa navigation menu ng iyong profile sa punkai. Sa pahina ng paghahanap, makakakita ka ng isang paunang paghahanap kung saan maari kang maghanap para sa ibat-ibang opsyon tulad ng kasarian, edad, bansa at iba pa at i-click ang “ Search Now” at ang aming sistema ay maghahanap sa mga miyembro na may pamantayan. O mas mabuti pa, kung ikaw ay naghahanap ng isang taong partikular na, maaari mong ipasok ang email address ng iyong kaibigan sa search box na ibinibigay.

back to top  

 
 
  Mayroon akong mga tanong na wala dito sa FAQ, Ano ang gagawin ko?

Kung ikaw ay may anumang katanungan, maaari kang makipag-ugnayan sa amin sa contactus@punkai.com at kayo ay aming babalikan sa lalong madaling panahon.

back to top